OVP Usec. Philip Dy nagpaliwanag kung bakit mataas ang kanilang 2020 budget

By Noel Talacay September 01, 2019 - 03:47 AM

Nagpahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa kanilang 2020 budget dahil masmataas ito kumpara sa budget ng kasalukuyang taon.

Ayon kay OVP Chief-of-Staff Undersecretary Philip Dy na hindi naman malayo ang agwat ng halaga ng kanilang 2020 budget sa 2019 budget.

Inamin naman ni Dy na P675 million ang kanilang pinropose sa Department of Budget Management (DBM) pero P665 million ang nirekomenda nito.

Sinabi rin nito na tatangapin nila kung ang naaprobahang budget ay ang nirekomenda ng DBM, aniya hindi pa rin maaapektohan ng malaki ang mga programa ng bise presidente.

Magugunita, inaprobahan ng kongreso sa ginawang budget hearing ang P673 million OVP Budget para sa susunod na taon kung saan mataas ng bahagya ito kumpara sa 2019 budget na P671 million. | NT

 

TAGS: Office of the Vice President (OVP), OVP Usec. Philip Dy nagpaliwanag kung bakit mataas ang kanilang 2020 budget, P673 million OVP Budget, Vice President Leni Robredo, Office of the Vice President (OVP), OVP Usec. Philip Dy nagpaliwanag kung bakit mataas ang kanilang 2020 budget, P673 million OVP Budget, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.