Dalawang lalaking umano’y riding-in-tandem, timbog sa Makati City

By Noel Talacay September 01, 2019 - 03:10 AM

Arestado ang dalawang lalaking umano’y riding-in-tandem matapos iwasan ng mga suspek ang nakasalubong nitong mga pulis na nagpapatrolya sa kahabaan ng Barangay Pio Del Pilar, Makati City bandang ala-1:15, Sabado ng madaling araw, Aug. 31.

Nakilala ang mga suspek na sina Jemson Callao Quiran, 23-anyos at Bryan Jay Morica Bacuyong, 26-anyos at parehong residente ng lungsod ng Makati.

Narekober sa mga suspek ang isang cal. 38, isang revolver armscor , mga bala, isang screw driver at ang motorsiklo na gamit ng mga suspek.

Maliban dito, nakuha rin mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu.

Ayon sa Makati PNP, nagtangka pang tumakas ang dalawang suspek pero na korner nila ito dahilan para mahuli ang mga ito.

Patong-patong na mga kaso ang kakaharapin ng mga suspek.

TAGS: Barangay Pio Del Pilar, Bryan Jay Morica Bacuyong, Jemson Callao Quiran, makati city, makati pnp, riding in tandem, Barangay Pio Del Pilar, Bryan Jay Morica Bacuyong, Jemson Callao Quiran, makati city, makati pnp, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.