Sundalo, namaril ng lasing sa Albay

By Noel Talacay August 31, 2019 - 11:29 PM

Sasampahan na ng kasong kriminal ang isang sundalo sa bayan ng Daraga, Albay matapos masangkot ito sa pamamaril sa Barangay Villahermosa noong Biyernes ng gabi, Aug. 29.

Pasado ala-1:00, Sabado ng madaling araw kusang sumuko si T/Sgt. Rey Valenzuela, 45-anyos sa Albay Police Provincial Office at dala niya ang kanyang service firearm na caliber 9mm Glock 17 Gen 4 pistol na ginamit niya sa pamamaril.

Si Valenzuela ay nakatalaga sa Service Support Batallion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa nasabing lugar.

Base sa ulat ng Albay pulis, bumibili ng sigarilyo ang sundalo, nang biruin siya ng lasing na biktima na si Joshua Macalinao, 25-anyos at residente ng naturang lugar, pero hindi ito na gustohan ng suspek kaya binaril niya ito dahilan para magtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang paa.

Pinalo pa umano ng sundalo ng bote ng alak kung saan tinamaan ang ilong ng biktima.

Nasa kustodiya na nga Albay pulis ang suspek na sundalo para sa kaukulang disposisyon habang patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng mga pulis sa nasaning insidente.

 

TAGS: Albay, Barangay Villahermosa, Daraga, Pamamaril, Philippine Army, Service Support Batallion ng 9th Infantry Division, T/Sgt. Rey Valenzuela, Albay, Barangay Villahermosa, Daraga, Pamamaril, Philippine Army, Service Support Batallion ng 9th Infantry Division, T/Sgt. Rey Valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.