Dating LTO Chief Torres, patay na Body:
Pumanaw na ang dating Land Transportation Office o LTO Chief at kilalang “kabarilan” ni Pangulong Noynoy Aquino na si Virginia Torres dahil sa atake sa puso.
Nasawi ang 63-year old na si Torres kahapon ng alas-dos ng madaling araw sa Medical City Clark sa Clark, Pampanga, kung saan siya dinala matapos magreklamo ng pagkahilo at pananakit ng dibdib.
Si Presidente Aquino ay nasa the Mansion sa Baguio City nang makarating sa kanya ang ulat na namatay na si Torres.
Ang dalawang araw na burol para kay Torres ay sa tahanan nito sa Baltazar subdivision sa bayan ng Paniqui, Tarlac, bago siya ilipat sa kanyang hometown sa La Paz.
Matatandaang naging kontrobersyal si Torres nang lumabas ang isang video kung saan makikitang naglalaro siya ng slot machines sa isang casino.
Batay sa isang Malacanang memorandum, mahigpit na ipinagbabawal sa hanay ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno ang pagpasok at paglalaro sa gaming establishments gaya ng casino.
Nasangkot din si Torres sa ilang iregularidad sa LTO, ngunit hindi siya napanagot hanggang sa nagretiro siya noong October 2013.
Noong Agosto 2015 naman, nadawit si Torres sa umano’y pakikipagsabwatan sa ilang opisyal ng Bureau of Customs para mailsuot ang aabot sa isang daang milyong pisong halaga ng asukal mula sa Thailand.
Ginamit pa raw ni Torres ang pangalan ni Pangulong Aquino, at sinabi pang ang proceeds mula sa bentahan ng asukal ay magiging ‘election campaign kitty’ ang Liberal Party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.