Ilang bayan sa North Cotabato na may plantasyon ng marijuana, tinukoy ng PDEA

By Marlene Padiernos August 31, 2019 - 06:40 PM

Tinukoy na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) ang apat na bayan na pinaghihinalaang may plantasyon ng marijuana sa lalawigan ng North Cotabato.

Sa pagkukumpira ni PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan, ang nasabing mga bayan sa lalawigan ay kinabibilangan ng Pikit, Aleosan, Carmen, at bayan ng Arakan.

Ayon sa opisyal, inaangkat sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng probinsya ang mga sako-sakong pinatuyong dahon ng marijuana gamit ang pampubliko at pribadong mga sasakyan.

Bukod sa lalawigan ng North Cotabato ay mayroon rin mga plantasyon ng marijuana sa lalawigan ng Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat.

Marami na ang mga taong nahuhumaling sa paggamit ng marijuana dahil sa mataas ang presyo ng shabu kumpara dito na nasa P25 hanggang P150 lamang ang halaga ng isang gramo.

TAGS: Aleosan, at bayan ng Arakan., Carmen, ikit, Marijuana, North Cotabato, PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12), Aleosan, at bayan ng Arakan., Carmen, ikit, Marijuana, North Cotabato, PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.