4 patay sa pagkaladkad ng trak sa ilang jeepney sa Antipolo City

By Den Macaranas August 31, 2019 - 05:54 PM

Dead-on-the-spot ang apat katao sa naganap na karambola ng mga sasakyan sa Antipolo City.

Pasado alas-tres ng hapon nangyari ang aksidente sa bahagi ng Sumulong Highway sakop ng Barangay Mambugan.

Pababa sa kurbadang bahagi ng Sumulong Highway ang isang trak nang mawalan ng kontrol ang driver nito.

Tatlong mga pampasaherong jeepney ang kinaladkad ng trak bago ito tumagilid.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima samantalang nasa kustodiya na rin nila ang driver ng trak na pansamantala munang hindi pinangalanan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa isang ospital ang mga sugatan na pawang mga pasahero rin ng nakaladkad na mga jeepeney.

TAGS: Antipolo City, Brgy. Mambugan, sumulong hiway, Vehicular accident, Antipolo City, Brgy. Mambugan, sumulong hiway, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.