Grupo ng mga duktor sa bansa pabor sa muling paggamit ng bakuna kontra dengue

By Den Macaranas August 31, 2019 - 03:49 PM

Inquirer file photo

Sumang-ayon ang Philippine Medical Association (PMA) sa pahayag ng World Health Organization (WHO) sa paggamit ng dengue vaccine sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng PMA na makakatulong sa pagpigil sa pagpigil ng dengue ang nasabing bakuna.

“Clinical trials and studies have shown that dengue vaccine will help individuals who had previous dengue infection from getting severe disease,” ayon pa sa pahayag ng PMA.

Pero sinabi ng naturang samahan ng mga duktor na kailangang nasa pagitan ng edad 9 hanggang 45 lamang ang pwedeng bigyan ng dengue vaccine.

Dapat ay iyung mga nagkaroon na rin ng dengue ang biglan ng nasabing uri ng bakuna.

Bago ang pagbibigay ng bakuna ay inirekomenda ng PMA na sumalang rin sa rapid diagnostic tests ang mga bibgyan nito.

Ang  dengue vaccine ay dapat rin umang ipaliwanag ng sa mga tuturukan nito o kaya ay sa mga magulang kung mga bata naman ang bibigyan ng bakuna.

Kamakailan ay sinabi ng Department of Health na lampas na sa epidemic threshold ang bilang ng mga nagkaroon ng dengue sa bansa kung saan ay umakyat na 882 ang bilang ng fatalities.

Sinabi rin ng pangulo sa bukas siya sa muling paggamit ng naturang uri ng bakuna sa kundisyon na ito ay dumaan sa pagsusuri ng isang pinagkakatiwalaang grupo ng mga duktor mula sa ibang bansa.

TAGS: Dengue, duterte, epidemic, philippine medical association, World Health Organization (WHO), Dengue, duterte, epidemic, philippine medical association, World Health Organization (WHO)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.