Go: Pagpapalaya sa ilang mga preso hindi dumaan sa pangulo

Nilinaw ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Christopher “Bong” Go na hindi dumaan sa pangulo ang mga dokumento kaugnay sa pagpapalaya sa halos ay 2,000 bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP).

May kaugnayan pa rin ito sa pagpapatupad ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Mula sa Beijing, China, sinabi ni Go na pagpapaliwanagin ng pangulo ang mga pumirma sa ilang mga dokumento na siyang naging dahilan ng pagpapalaya sa ilang mga preso.

Base sa impormasyon mula sa  Bureau of Corrections, umaabot sa 22,049 preso ang napalaya dahil sa GCTA mula pa noong 2014.

Sa nasabing bilang ay 1,914 ang nahatulan at nakulong dahil sa heinous crime.

Karamihan sa mga ito ay may kasong kidnapping, rape, murder at illegal drugs.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na tigil muna ang pagpapatupad ng GCTA bagay na inayunan naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Nais naman ng ilang mga mambabatas na imbestigahan paraan ng pagpapatupad ng GCTA.

Read more...