Sangley Point International Airport matatapos sa 2022 ayon kay Duterte

Inquirer file photo

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos sa taong 2022 ang Sangley Point International Airport.

Bukod sa nasabing paliparan ay gusto rin ng pangulo na makumpleto ang lahat ng proyekto sa ilalim ng Build Build Build program bago matapos ang kanyang termino.

Sa kanyang pagharap sa ilang business leader sa Grand Hyatt Hotel in Beijing, China ay sinabi ng pangulo na determinado ang administrasyon na tapusin ang mga infrastructure project sa natitirang taon ng kanyang pamahalaan.

Muli rin niyang nilinaw na paparusahan ang lahat ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na magtatangkang manuhol sa pagpapatupad ng mga infra projects.

Magkatuwang sa proyekto sa pagtatayo ng Sangley Point International Airport ang Cavite Holdings, China Communication Construction Co. (CCCC) at China Airport Construction Group Co. Ltd.

Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa pamamagitan ng batas na mga umiiral na batas kaugnay sa government spending ay mababatayan ang pondo ng pamahalaan para sa big-ticket infrastructure projects.

Read more...