Gumawa ng bagong record sa China ang American singer na si Taylor Swift.
Umabot sa higit sa isang milyon ang “total streams, downloads and sales” ng bagong album ni Swift na “Lover.”
Dahil dito, ang nasabing album ang may hawak ng record sa China bilang “most consumed full length international album” sa loob ng maikling panahon.
Ang mga naunang album ni Swift na “1989” at “Reputation” ay big hit din sa China at higit sa isang milyon ang naibenta pero sa mas mahabang panahon.
Ang “Lover” ay ini-release noong August 23 at gumagawa na rin ng record sa Estados Unidos.
Nakapaloob sa album ang kantang “ME” at ang “Your Need to Calm Down.”
MOST READ
LATEST STORIES