DILG: 60-day challenge sa mga LGUs para alisin ang road obstructions di palalawigin
Hindi na palalawigin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ibinigay nitong 60 days sa mga local government units para magpatupad ng clearing operations sa mga kalsada sa kanilang nasasakupan.
Naniniwala si Interior Secretary Eduardo Año na sapat na ang nasabing panahon para makatugon ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na alisin ang lahat ng mga sagabal sa daan.
Ang direktiba ay inilabas ng DILG noong July 29 at tatagal hanggang matapos ang 60 araw na deadline kung saan ay aalamin ng DILG kung nakatugon ang mga LGUs at ang hindi nakasunod sa kautusan ay papatawan ng kaukulang aksyon.
Sa kanyang State of the Nation Address ay sinabi ni Pangulojg Rodrigo Duterte na dapat bawiin ng mga local officials ang mga nawawalang bangketa at kalasada sa kani-kanilang mga teritoryo.
Pangunahing layunin nito na mapaluwag ang daloy ng trapiko lalo na sa mga major thoroughfare sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.