Nakatakdang ilunsad ang Apple sa September 10 ang “iPhone 11” handsets.
Nagpalabas na sila ng imbitasyon para sa nasabing techie event na magpapakilala sa new-generation iPhone sa Steve Jobs Theater sa Headquarters ng Apple sa Cupertino.
Kadalasang inilalabas ang mga bagong produkto ng Apple tuwing huling quarter ng taon para sa targetin ang Christmas season.
Inaasahan ang improvement sa camera at processor ng iPhone 11 ayon na rin sa ilang tech reviewer.
Noong nakalipas na taon ay bumaba ng 12-percent ang revenue ng iPhone sa $26 Billion.
Sa kasalukuyan ay pang-apat lamang ang Apple sa global smartphone sales.
Para sa taong 2019 ay nakapagbenta na ang Apple ng 35.3 million iPhone units kumpara sa 36.2 million units ng Oppo.
Hawak pa rin ng Samsung ang first place dahil sa 23% market shares na sinunandan naman ng Huawei na mayroong 58.7 million smartphones na sales o 18% ng market share.