Mga Pinoy sa Florida pinag-iingat dahil sa bagyo na may lakas na 210 kph
Pinag-iingat ang mga residente sa Florida dahil direktang tatami sa kanilang lugar ang Hurricane Dorian.
Sinabi ng National Hurricane Center na ang Hurrican Dorian ay isang “extremely dangerous major hurricane” na tatami sa northwest Bahamas at Florida peninsula.
Inaasahan rin ang pagkakaroon ng storm surge at inaasahang aabot ang taas ng tubig sa 10 hanggang 15 feet (3 to 4.5 meters) sa northwestern Bahamas.
Kahapon ay itinaas na sa Category 2 hurricane si Dorian at inaasahang aabutin nito ang Category 4 dahil sa expected wind gustiness na aabot sa 210 kph.
Sinabi ng Philippine Embassy na inabisuhan na nila ang mga Pinoy sa mga rutang posibleng daanan ng bagyo na mag-ingat.
Sa kabuuan ay umaabot sa 145,000 ang mga Filipino na naninirahan sa kabuuan ng Florida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.