Pagbabalik sa kulungan ng pinalayang heinous crime convicts iligal ayon kay Te

By Len Montaño August 31, 2019 - 04:27 AM

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Nagbabala si dating Supreme Court spokesman Theodore Te na iligal kung ibabalik sa kulungan ang 1,914 convicts ng heinous crimes na pinalaya dahil sa good conduct.

Pahayag ito ni Te kasunod ng nais ng Malakanyang na muling makulong ang naturang mga inmates na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance Law.

Paliwanag ng Criminal Law professor, paglabag sa Konstitusyon at mga probisyon ng Revised Penal Code ang naturang hakbang.

“The GCTA that may serve to shorten a sentence and entitle the inmate to be released extinguishes liability and, even if applied erroneously but in good faith to unqualified inmates (e.g., those serving time for heinous crimes who under the law are not entitled to GCTA), cannot justify sending back to jail those set free,” pahayag ni Atty. Te.

Kung ipapabalik anya ng Malakanyang sa kulungan ang convicts na napalaya dahil sa magandang ugali habang nakakulong, paglabag ito sa probisyon ng 1987 Constitution kung saan nakasaad ang “ex post facto law.”

Hindi na rin anya pwedeng baguhin o bawiin ang pagpapalaya sa mga convicts sa ilalim ng GCTA.

 

TAGS: Atty. Theodore Te, balik kulungan, convicts, ex post facto law, GCTA, good conduct, heinous crime, iligal, Konstitusyon, Revised Penal Code, Atty. Theodore Te, balik kulungan, convicts, ex post facto law, GCTA, good conduct, heinous crime, iligal, Konstitusyon, Revised Penal Code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.