PNP: Publiko ligtas sa ‘ber’ months

By Rhommel Balasbas August 31, 2019 - 04:06 AM

Hindi dapat mabahala ang publiko hinggil sa pinangangambahang pagtaas ng bilang ng krimen tuwing sasapit ang ‘ber’ months.

Bukas, araw ng Linggo ay papasok na ang ‘ber’ months dahil unang araw na ng Setyembre.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP – National Capital Region Director Major General Guillermo Eleazar na simula nang pumasok ang administrasyong Duterte ay bumaba ang monthly average ng krimen sa ‘ber’ months.

Ayon kay Eleazar, malaking tulong ang kampanya kontra iligal na droga para mapababa ang bilang ng krimen sa bansa.

Crime against property ang talamak tuwing ‘ber’ months ayon sa opisyal.

Sa kabila ng downtrend sa krimen tuwing Kapaskuhan ay hindi anya titigil ang pulisya sa kanilang mga operasyon kontra krimen.

Ayon sa NCRPO chief, paiigtingin pa ang presensya ng pulisya sa mga matataong lugar tulad ng mga mall, mga simbahan at mga terminal.

Magkakaroon din anya ng magandang access at shared responsibility ang pulisya sa mga mall kaakibat ang security personnel para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

 

TAGS: access, ber months, krimen, ligtas, Major General Guillermo Eleazar, mall, monthly average, NCRPO, PNP, publiko, shared responsibility, access, ber months, krimen, ligtas, Major General Guillermo Eleazar, mall, monthly average, NCRPO, PNP, publiko, shared responsibility

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.