Ed Sheeran pahinga muna sa performance sa gitna ng kinakaharap na mga kaso

By Len Montaño August 31, 2019 - 03:27 AM

AP file photo

Inanunsyo ng British singer-songwriter na si Ed Sheeran na magpapahinga muna siya.

Inihayag ito ni Sheeran sa last leg ng kanyang “Divide” tour sa England.

Sinabihan ng singer ang kanyang mga fans na inisip niyang mag-break muna matapos mag-perform sa buong mundo mula noong 2017.

Nakapaloob sa naturang tour ni Sheeran ang 9 milyong nanood ng kanyang concerts sa loob ng 893 araw at 46 na mga bansa.

Pabiro pang sinabi ng singer na ang kanyang desisyon ay parang pakikipag-break sa kanyang girlfriend.

Habang naka-break ay kakaharapin ng “Perfect” singer ang ilang legal issues.

Kabilang ang $100 million na kaso para sa kanta nitong “Thinking Out Loud” na umanoy paglabag sa kantang “Let’s Get In On” ni Marvin Gaye.

Ang kanta naman nitong “Shape of You” ay ginaya umano sa “Oh Why” song ni Sam Chokri.

Katunayan ay hindi pwedeng tumanggap ng royalties si Sheeran sa nasabing kanta habang dinidinig ang kaso.

 

TAGS: break, Divide tour, Ed Sheeran, legal issues, pahinga, Perfect, Shape of You, Thinking Out Loud, break, Divide tour, Ed Sheeran, legal issues, pahinga, Perfect, Shape of You, Thinking Out Loud

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.