Gilas nais makita si Pang. Duterte sa FIBA World Cup sa China

By Len Montaño August 31, 2019 - 03:04 AM

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Gustong gusto umanong makita ng Gilas Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng FIBA World Cup.

Nasa China ngayon ang pangulo para sa kanyang ika-limang state visit.

Ayon kay Gilas head coach Yeng Guiao, “eager” ang national basketball team na makita ang pangulo.

Pahayag ito ni Guiao sa pagtatapos ng huling practice ng koponan bago ang opisyal na pagsisimula ng FIBA World Cup na nakatakda ngayong Sabado.

Kumpyansa naman si Guiao sa tsansa ng Gilas sa laban sa Italy.

Bukod sa Italy at Angola, makakalaban din ng Pilipinas ang powerhouse na Serbia sa Group D.

Una ng sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na plano ng pangulo na manood ng laban ng Gilas kontra Italy para personal umanong mag-cheer sa team.

Pero una nang sinabi ni Duterte na walang tsansang manalo ang Gilas sa Italy pero posible namang manalo kontra Angola.

 

TAGS: Angola, cheer, China, DFA, Fiba World Cup, Gilas head coach Yeng Guiao, Gilas Pilipinas, Group D, italy, makita, Rodrigo Duterte, Serbia, state visit, Angola, cheer, China, DFA, Fiba World Cup, Gilas head coach Yeng Guiao, Gilas Pilipinas, Group D, italy, makita, Rodrigo Duterte, Serbia, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.