Sa isang pahayag Biyernes ng hapon, sinabi ng DER na ang pagbagal ng inflation ay dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, bigas at kuryente.
Gayunman, ang downward trend sa presyo ng ilang mga bilihin ay bahagya namang tinapatan ng paghina ng piso at pagtaas sa presyo ng ilang food items.
Sinabi naman ng DER na tututukan ng BSP ang mga pagbabago sa mga presyo para tiyaking ang monetary policy ay magpapatuloy sa malagong ekonomiya.
Ang inflation forecast ng DER ay mas mababa sa 2.4 percent na naitala noong Hulyo.
Ang official inflation rate para sa buwan ng Agosto ay ilalabas sa Setyembre 5.