BSP: Inflation rate ngayong Agosto mas bumaba pa

By Rhommel Balasbas August 31, 2019 - 02:48 AM

Posibleng pumalo lamang sa pagitan ng 1.3 hanggang 2.1 percent ang inflation rate para sa buwan ng Agosto ayon sa Department of Economic Research (DER) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang pahayag Biyernes ng hapon, sinabi ng DER na ang pagbagal ng inflation ay dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, bigas at kuryente.

Gayunman, ang downward trend sa presyo ng ilang mga bilihin ay bahagya namang tinapatan ng paghina ng piso at pagtaas sa presyo ng ilang food items.

Sinabi naman ng DER na tututukan ng BSP ang mga pagbabago sa mga presyo para tiyaking ang monetary policy ay magpapatuloy sa malagong ekonomiya.

Ang inflation forecast ng DER ay mas mababa sa 2.4 percent na naitala noong Hulyo.

Ang official inflation rate para sa buwan ng Agosto ay ilalabas sa Setyembre 5.

TAGS: august, Bangko Sentral ng Pilipinas, Bigas, bumaba, Department of Economic Research, downward trend, ekonomiya, food items, Inflation, Kuryente, monetary policy, petrolyo, piso kontra dolyar, presyo ng bilihin, august, Bangko Sentral ng Pilipinas, Bigas, bumaba, Department of Economic Research, downward trend, ekonomiya, food items, Inflation, Kuryente, monetary policy, petrolyo, piso kontra dolyar, presyo ng bilihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.