Sept. 13 idineklarang holiday sa Cordillera Administrative Region

By Len Montaño August 31, 2019 - 02:01 AM

Idineklara ng Malakanyang na special non-working day sa September 13, 2019 sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa Proclamation No. 802 na may petsang August 29, 2019, nakasaad na holiday sa naturang petsa sa CAR bilang pag-alala sa 1986 Sipat Peace Talks.

Nais ng Palasyo na magkaroon ng pagkakataon ang mga taga-CAR na ipagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng pagsama sa mga seremonya.

Ang Sipat Peace Talks ay ang usapang pangkapayapaan sa mga militia, partikular ang mga rebelde, sa rehiyon.

Ang salitang sipat ay tumutukoy sa ritual na nagsuspinde sa mga karahasan sa CAR na pinangunahan ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino at ang tinaguriang rebel priest na si Father Conrado Balweg.

 

TAGS: 1986 Sipat Peace Talks, 2019, Cordillera Administrative Region, Father Conrado Balweg, Holiday, militia, September 13, Special non-working day, 1986 Sipat Peace Talks, 2019, Cordillera Administrative Region, Father Conrado Balweg, Holiday, militia, September 13, Special non-working day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.