5 sa 6 na convicts sa Chiong rape-slay nakalaya na
Lima sa anim na convicts sa kasong pagdukot, paggahasa at pagpatay sa magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong ang nakalaya na.
Ayon sa source ng INQUIRER.net, mayroong isa pang convict sa naturang krimen ang nakakulong pa rin dahil sa hiwalay na kaso.
Samantala, sa isang panayam ay sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson na nakalaya na nga ang mga na-convict sa Chiong rape-slay case sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ayon sa senador, hindi si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon ang mismong nakapirma sa release order ng mga convicts.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pitong convicts, kabilang si Francisco Juan “Paco” Larranaga, ang posibleng makinabang sa GCTA.
Sa ngayon ay nasa Spain si Larranaga sa pamamagitan ng Transfer of Sentence Agreement dahil sa pagkakaroon nito ng dual citizenship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.