Sundalo patay, 5 iba pa sugatan sa enkwentro sa NPA sa Samar

By Len Montaño August 31, 2019 - 12:14 AM

Nasawi ang isang sundalo habang sugatan ang limang iba pa sa enkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Basey, Samar araw ng Biyernes.

Kinilala ang namatay na sundalo na isang Cpl. Tabano.

Wala namang inihayag na pagka-kilanlan ng mga nasugatang sundalo.

Sa pangunguna ni 1Lt. Reyzander Ga ng 46th Infantry Batallion, nagpatrulya ang tropa ng gobyerno sa Barangay Mabini.

Pero nakasagupa ng mga sundalo ang mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ni Tabano.

Wala namang impormasyon kung may namatay o nasugatan sa panig ng NPA.

 

TAGS: 46th Infantry Batallion, 5 sugatan, Basey, enkwentro, NPA, patrulya, rebelde, sagupa, Samar, sundalo patay, 46th Infantry Batallion, 5 sugatan, Basey, enkwentro, NPA, patrulya, rebelde, sagupa, Samar, sundalo patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.