Duterte sa mga negosyanteng Chinese: ‘Isumbong sa akin ang tiwaling opisyal’

By Len Montaño August 30, 2019 - 11:38 PM

Screengrab of RTVM video

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng Chinese na ipaalam sa kanya kung mayroong opisyal ng bansa na nanghihingi ng pera sa kanila.

Sa kanyang talumpati sa Philippine-China Business Forum sa China araw ng Biyernes, sinabihan ng pangulo ang mga Chinese na gustong magnegosyo sa Pilipinas na isumbong sa kanya kung may problema sila sa kurapsyon.

Tiniyak ng pangulo sa mga Chinese businessmen na hindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa Pilipinas.

Kapag nagka-problema anya sa pagtatayo ng negosyo sa bansa ay maaaring makipag-kita sa kanya ang negosyante at sabihin kung sinong opisyal ang nanghihingi ng pera.

“If you encounter, or your agents, or your lawyer will tell you ‘This official is asking for something like this’ you just tell me and I will call that official, whoever he is, in my office and in your presence,” pahayag ng pangulo.

Dagdag ni Pangulong Duterte, sasabihan niya ang inireklamong opisyal na kumain ng pera at barya.

“…will tell the official to eat the money and swallow the coins,” ani Duterte.

 

TAGS: China, Chinese businessmen, isumbong, kumain ng pera, kurapsyon, nanghingi ng pera, opisyal, Philippine-China Business Forum, Rodrigo Duterte, tiwali, China, Chinese businessmen, isumbong, kumain ng pera, kurapsyon, nanghingi ng pera, opisyal, Philippine-China Business Forum, Rodrigo Duterte, tiwali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.