Pangilinan sa paglaya ng ‘heinous crime’ convicts: Ano ang basehan?

By Len Montaño August 30, 2019 - 10:30 PM

Kinuwestyon ni Senator Kiko Pangilinan ang basehan ng pagpapalaya sa mga convict ng mga “heinous crimes” o karumal-dumal na mga krimen.

Nais malaman ni Pangilinan kung ano ang batayan sa desisyon kung sino ang kwalipikado na palayain.

“What are the basis in law for deciding who are qualified for release? How were the cases of the inmates evaluated? Who makes such decisions?”

Tanong ito ng senador matapos kumpirmahin ng Bureau of Corrections (BuCor) na halos 2,000 inmates na convicted sa heinous crimes ang napalaya na mula 2014 dahil sa batas ukol sa good conduct.

Sinabi na ng Malakanyang na dapat ibalik sa kulungan ang mga napalayang heinous crime convicts.

Pero ayon kay Pangilinan, maaaring mapabalik sa kulungan ang mga convict pero kailangan papanagutin kung sino ang nasa likod ng kanilang paglaya.

Kung palalayain lang anya ang mga hindi kwalipikadong inmate ay hindi mangingimi ang mga kriminal sa paggawa ng krimen.

 

TAGS: basehan, bucor, convict, good conduct, heinous crime, inmate, kinuwestyon, kwalipikado, paglaya, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, basehan, bucor, convict, good conduct, heinous crime, inmate, kinuwestyon, kwalipikado, paglaya, Senator Francis "Kiko" Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.