Inuman ng magkapatid sa Pasay nauwi sa saksakan

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 08:18 PM

Nauwi sa saksakan ang inuman ng magkapatid sa Pasay City.

Ayon sa Pasay City police station, nag-iinuman ang magkapatid na sina Orlando Santos, 23 anyos at Jefferson Santos, 26 anyos sa Gamban Street sa Barangay 137, Zone 13, Biyernes (Aug. 30) ng tanghali.

Nauwi umano sa pagtatalo ang inuman ng dalawa hanggang sa saksakan ni Orlando ang nakatatatandang kapatid gamit ang basag na bote ng softdrinks.

Ang mga tao sa paligid na ang nagsugod kay Jefferson sa Pasay City General Hospital.

Agad namang nadakip si Orlando ng mga tauhan ng Central Park police community precinct.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinag-awayan ng magkapatid.

TAGS: central park police, Pasay City, stabbing incident, central park police, Pasay City, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.