P50K halaga ng mga isdang ginamitan ng dinamita nakumpiska sa palengke sa Cebu City

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 07:51 PM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Cebu City Bantay Dagat ang mga isdang ginamitan ng dinamita sa isang palengke sa lungsod.

Ayon kay Ariel Yburan, pinuno ng grupo, 13 kahon na nalalaman ng mga pinasabog na isda ang nakumpiska nila sa Pasil Fish Market, araw ng Biyernes, Aug. 30

Tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng mga nakumpiskang isda.

Dismayado naman Yburan dahil malinaw aniyang may mga mangingisda pa rin ang gumagamit ng dynamite at cyanide fishing.

Inaresto naman ang isang Mohamad hasan Kinawaran na driver ng truck na nagdala ng mga isda sa Pasil Public Market.

Mahaharap si Kinawaran sa kasong paglabag sa Fisheries Code of 1998.

TAGS: BFAR, Cebu City, cyanide fishing, dynamite fishing, BFAR, Cebu City, cyanide fishing, dynamite fishing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.