10 Vietnamese na naaresto sa ilegal na pangingisda sa Cagayan nagbayad na ng P600K na multa
Binayaran na ng 10 Vietnamese fishermen ang P600,000 multa matapos silang mahuling nangingisda sa Dalupiri Island sa Calayan Group of Islands sa Calayan, Cagayan.
Ayon kaky Atty. Arsenio Bañares ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Cagayan Valley, ang compromise fine ay bilang settlement sa kanilang kasong administratibo.
Ang 10 ay nadakip noong June 1 matapos makita ang kanilang dalawang fishing vessels sa naturang isla.
Natuklasan ng mga otoridad sa dalawang fishing vessels ang iba’t ibang uri ng isda na karamihan ay yellow fin tuna, shark, blue marlin, at dorado.
Tinatayang P80,000 ang halaga ng mga isda na nahuli sa kanila.
Dahil sa pagbabayad ng compromise fine ay maibabasura na ang kasong administratibo laban sa mga dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.