Mga na-convict sa heinous crimes at nakalaya dahil sa GCTA dapat ibalik sa kulungan ayon sa Malakanyang
Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na dapat maibalik sa kulungan ang mga preso na sangkot sa heinous crimes ngunit maagang napalaya dahil sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance.
Sa isang press briefing, iginiit ni Presidential spokesman Salvador Panelo na malinaw sa nakasaad sa batas na hindi sakop nito ang mga recidivist, habitual delinquent, tumakas at kriminal na sangkot sa heinous crimes.
Dahil dito, maaaring muling maaresto at mabalik sa kulungan ang mga ito.
Matatandaang isiniwalat ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa dalawang libong preso na ang nabigyan ng benepisyo ng GCTA simula taong 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.