Kinumpirma ng United Arab Emirates (UAE) ang paglulunsad ng air strikes sa Aden, Yemen.
Batay sa ulat, sinabi ng foreign ministry ng UAE na target ng air strike ang mga terrorist militia sa lugar.
Paliwanag ng foreign ministry, ang air strike ay nagsisilbing ‘self-defense’ matapos ang ikinasang pag-atake ng mga armadong grupo na konektado sa mga teroristang grupo.
Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni Deputy Foreign Minister Mohammad al-Hadhrami na kinokondena ng gobyerno ng Yemen ang air strikes laban sa tropa ng pamahalaan sa Aden at Zinijibar.
Nagresulta kasi aniya ito ng pagkamatay ng ilang sundalo at sibilyan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.