Andi Eigenmann nagpapatayo ng bahay sa Siargao

Nagpapatayo na ang aktres na si Andi Eigenmann ng bahay sa Siargao Island.

Gamit ang kaniyang Instagram, ibinahagi ni Andi ang larawan ng ipinapatayong bahay kasama ang kaniyang partner at tatlong anak.

Aniya, excited na siyang mamuhay sa kanilang ‘dream house’ kasama ang partner na si Philmar Alipayo.

Masaya aniya sila sa panibagong blessing sa kanilang pamilya.

Dagdag pa nito, excited na rin aniyang ibahagi ang bahay sa kaniyang mga tagahanga.

Read more...