Traffic constable na nasugatan matapos saksakin ng snatcher ligtas na ayon sa MMDA
Kinumpirma ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakalabas na sa ospital ang kanilang traffic constable na nasaksak ng isang snatcher.
Ayon kay MMDA assistant secretary Celine Pialago, na magbibigay din ang kanilang opisina ng tulong sa biktimang traffic constable na si Randy l. Domong-as, tulad ng medical assistance paras sa follow-up check at bibigayan din siya ng compensatory leave.
Maliban dito, magbibigay din ang MMDA ng P20,000 bilang financial assistance para gamitin sa pang araw-araw na pangangailan ni Domong-as habang nagpapagaling ito.
Pinuri ni Pialago ang katapangan na ipinakita ng nasabing traffic constable.
Aniya na ito ay patunay lamang na may mga mabubuting parin mga tauhan ang MMDA.
Bandang alas-11:30 Huwebes (Aug. 29) ng umaga, tumulong si Domong-as sa paghuli ng snatcher dahilan para saksakin siya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.