DFA nakiramay sa pamilya dalawang Pinoy Seafarer na nasawi sa sunog sa Mexico

By Angellic Jordan August 30, 2019 - 04:27 PM

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkasawi ng dalawang Filipino seafarers sa sumiklab na sunog sa isang strip club sa Mexico.

Sa inilabas na pahayag ng DFA, kabilang ang dalawa sa dalawampu’t walong nasawi sa insidente.

Naganap ang sunog sa isang bar sa Port of Coatzacoalcos sa Veracruz noong August 27.

Sa ulat ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio Tuazon, sinabi ni State Governor of Veracruz Cuitlahuac Garcia na nag-ugat ang sunog sa away ng mga gang sa lugar.

Tiniyak naman ng kagawaran na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa mga otoridad para mapauwi ang mga labi ng mga biktimang Pinoy.

TAGS: DFA, Filipino Seafarer, fire incident, Mexico, DFA, Filipino Seafarer, fire incident, Mexico

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.