Nasawi sa sakit na dengue 882 na ayon sa DOH
Umabot na sa 882 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue.
Ayon sa Department of Health-Epidemiology Bureau ang nasabing bilang ng mga nasawi ay naitala mula January 1 hanggang August 10, 2019.
Sa nasabi ring petsa ay nakapagtala ang DOH ng 208,917 na kaso ng dengue.
Lubhang mataas ito kumpara sa 102,298 na kaso sa parehong petsa noong 2018.
Sa rekord ng DOH, mula lamang August 4 hanggang August 10 o sa loob lang ng 6 na araw ay may naitalang 12,802 na kaso ng dengue.
Ang Western Visayas ang may pinakamataas na bilang ng kaso na 36,476 at may 166 na nasawi.
Sumunod ang Calabarzon na mayroong 27,091 cases at 88 ang nasawi.
Lagpas na sa epidemic threshold ang naitalang kaso ng dengue sa sumusunod na rehiyon:
Calabarzon
Mimaropa
Region V
Region VI
Region VIII
Region IX
Region X
Region XII
BARMM
National Capital Region
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.