Nagparating ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) ukol pagdedeklara ng national dengue epidemic ng Department of
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, na responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang publiko lalo na ang mga kabataan laban sa mga sakit.
Ito ay para aniya makaranas ng masayang pamumuhay at karapatan ang publiko.
Binati naman nito ang aksyon ng DOH para sugpuin ang sakit tulad ng “Sabayang 4-O’clock Habit para sa Deng-Get Out” campaign.
Patuloy naman aniyang tututukan ng ahensya ang hakbang ng gobyerno, partikular ng DOH ukol sa isyu.
Hinikayat din nito ang publiko na makipag-tulungan sa mga kampanya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa babala para maprotektahan ang kani-kanilang pamilya.