Deklarasyon ng national dengue epidemic ikinabahala ng CHR

By Angellic Jordan August 30, 2019 - 03:37 PM

Nagparating ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) ukol pagdedeklara ng national dengue epidemic ng Department of Health (DOH).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, na responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang publiko lalo na ang mga kabataan laban sa mga sakit.

Ito ay para aniya makaranas ng masayang pamumuhay at karapatan ang publiko.

Binati naman nito ang aksyon ng DOH para sugpuin ang sakit tulad ng “Sabayang 4-O’clock Habit para sa Deng-Get Out” campaign.

Patuloy naman aniyang tututukan ng ahensya ang hakbang ng gobyerno, partikular ng DOH ukol sa isyu.

Hinikayat din nito ang publiko na makipag-tulungan sa mga kampanya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa babala para maprotektahan ang kani-kanilang pamilya.

TAGS: CHR, Dengue, doh, national dengue epedemic, Radyo Inquirer, CHR, Dengue, doh, national dengue epedemic, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.