PAGASA nagtaas ng thunderstorm advisory sa ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Quezon, Bulacan, Pampanga at Zambales ngayong Biyernes, Aug. 30 ng hapon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA bandang ala 3:00 ng hapon, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang mararamdaman sa apat na lalawigan.
Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban dito, apektado rin ang Carranglan, Pantabangan, Lupao, Muñoz, General Tinio at Laur sa Nueva Ecija; Pila, Santa Cruz, Victoria, Calauan at Bay sa Laguna.
Nag-abiso naman ang weather bureau sa mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.