Aabot sa 30 subpoena ang naipabas ng Interagency Council on Traffic laban sa mga operator dahil sa pagbuga ng maruming usok ng kanilang mga sasakyan.
Sa loob ng dalawang araw na operasyon ng I-ACT sa EDSA, Taft at Balintawak noong Miyerkules at Huwebes, umabot sa 30 subpoena ang kanilang naipadala sa operators ng mga pampasaherong bus at jeep.
Ang nasabing mga jeep at bus ay pawang smoke belching.
Inatasan ang mga operator na mag-report sa Land Transportation Office sa loob ng 24 na oras mula nang matanggap nila ang subpoena.
Maliban sa mga smoke belching na sasakyan ay aabot sa 44 pa ang hinuli dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng luma nang gulong, sirang break light at tail lights, walang helment, trip cutting, walang seatbelt, walang lisensya at iba pa.