Dating Sen. Antonio Trillanes sinabing hindi kilala o nakausap ang nagreklamo ng kidnapping laban sa kanya

By Jan Escosio August 30, 2019 - 02:48 PM

Mariin ang pagtanggi ni dating Senator Antonio Trillanes IV na nakilala niya ang Guillerma Barrido na nagsampa ng reklamo sa kanya ng kidnapping at serious illegal detention sa PNP CIDG.

Sa inilabas na pahayag ni Trillanes, kinukuwestiyon niya ang salaysay ni Barrido na kasama sa mga dumukot at nagkulong sa kanya sa dalawang kumbento ay mga pari at madre.

Kinukuwestiyon din nito ang timing ng paglutang ni Barrido dahil aniya sinabi nitong 2016 pa nangyari ang pagdukot sa kanya nguniy ngayon lang itong nagreklamo makalipas ang tatlong taon.

Ibinahagi naman ni Trillanes ang impormasyon na natanggap niya at aniya boluntaryo umanong inalok ni Barrido ang sarili para tumestigo laban kay Pangulong Duterte.

Ngunit butas butas ang kuwento nito at kinalaunan humingi na ito ng pera kapalit ng kanyang testimoniya kayat hindi na ito pinansin.

Kasunod nito ay bumaligtad na si Barrido.

Ayon pa kay Trillanes malinaw na harassement case lang ang panibagong reklamo laban sa kanya.

TAGS: Kidnapping, Radyo Inquirer, senator antonio trillanes, Kidnapping, Radyo Inquirer, senator antonio trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.