Bilyun-bilyong pisong fraudulent claims ng tatlong ospital pinaiimbestigahan ng PhilHealth
Tatlong ospital ang inalisan ng accreditation ng PhilHealth dahil sa sinasabing maanomalyang claims.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Legal Atty. Jojo del Rosario, matatagpuan sa Region 12 ang hindi pinangalanang mga ospital na sumasailalim na ngayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Aabot anya sa bilyun-bilyong pisong halaga ang fraudulent claims ng tatlong level 2 hospital.
Sa ngayon, sinabi ni del Rosario na aabot na sa 23,000 na health facilities, hospitals, dialysis centers at iba pa ang iniimbestigahan ng PhilHealth kung saan 4,000 sa mga ito ang kinakitaan ng ebidensya upang sampahan ng kaso.
Samantala, pinagbabayad na rin ng PhilHealth ng multa ang Wellmed Dialysis Center.
Kabilang dito ang P3.3 million, P1.9 million at pagsingil sa lahat ng fraudulent claims sa PhilHealth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.