MMDA tutulong sa pagbabantay sa mga vape shop na malapit sa paaralan

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 10:36 AM

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tutulong ang kanilang mga tauhan sa pag-iinspeksyon sa mga vape shop na nasa loob ng 100-perimeter ng mga pampubliko at pribadong mga eskwelahan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, sa kanilang huling datos ay tumaas ang bilang ng mga vape shops sa Metro Manila.

Base sa inspeksyon na isinagawa ng MMDA Environmental Enforcers noong 2018 sa loob ng 100-metrong perimeter ng mga paaralan sa Metro, nasa 681 vape stores ang malapit sa mga eskwelahan.

Sa partial data naman noong 2017 na isinumite ng Business Permit and Licensing Offices ng ilang lokal na pamahalaan, nasa 73 lang ang lehitimo at rehistradong vape stores sa Metro Manila.

Alinsunod ito sa Administrative Order (AO) 2019-0007 na nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Hunyo 14 ay ipinagbabawal ang paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at vapes sa mga pampublikong lugar.

TAGS: e-cigarettes, mmda, vape, vape shop, e-cigarettes, mmda, vape, vape shop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.