10 Chinese tourists sinagip ng Coast Guard sa Bohol

Iniligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 Chinese tourists sa karagatang sakop ng Bohol.

Sinabi ni Coast Guard spokesman Cmdr. Armand Balilio, alas-5:50, Huwebes (Aug. 29) ng hapon nang mangyari ang insidente.

Aniya tumirik ang sinasakyang bangka ng mga turista habang sila ay nasa Balicasag Island at galing sila ng Sumilon.

Nang makatanggap ng ulat ang Coast Guard Station Bohol na may bangka na inaanod sa nabanggit na isla ay agad nagpadala ng rescue boat.

Pasado alas 7:00 nang madala sa Tagbilaran Port ang mga Chinese nationals na nasa maayos naman na kalagayan.

Read more...