Activist leader sa Hong Kong inaresto ng mga otoridad

Inaresto ng mga otoridad ang Hong Kong democracy activist na si Joshua Wong.

Si Wong ay dinakip umaga ng Biyernes, Aug. 20 ayon sa pahayag ng partido.

Sa Twitter account ng “Demosisto” sinabing naglalakad si Wong sa MTR station nang siya ay dinampot at saka pwersahang isinakay sa isang minivan.

Ang “Demosisto” ay isang movement-oriented youth activist group at si Wong ay kanilang secretary general.

Sa website naman ng Hong Kong Free Press,nakasaad na ang pagdakip kay Wong ay nangyari ilang oras matapos namang ikulong sa airport ang pro-independence leader na si Andy Chan.

Read more...