Unity parade idinaos sa Mandaue City para sa selebrasyon ng 50th Charter Day
Nagsagawa ng unity parade ang mga empleyado ng Mandaue City government, mga empleyado ng barangay at mga ahensya ng gobyerno bilang pagdiriwang sa 50th Charter Day ngayong araw, Aug. 30.
Ang selebrasyon para sa golden anniversary ng lungsod ay sinimulan sa pamamagitan ng grand parade na inumpsahan sa Mandaue City Cultural and Sports Complex.
Nagsuot ng kulay green na Charter T-shirt ang mga lumahok sa parada.
Mayroon ding Mandaue City float na dinisenyohan ng mga bulaklak at may nakasulat na “Cheers to 50 years of Partnership in Development! Cheers to more years!”
Natapos ang parada sa National Shrine of Saint Joseph na sinundan naman ng isang banal na misa.
Ang Mandaue City ay naging ganap na lungsod noong August 30, 1969 sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 5519.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.