Dagdag na tulong sa mga magsasaka, isinulong ni Sen. Risa Hontiveros

INQUIRER FILE PHOTO/ WILLIE LOMIBAO

Nagpahayag ng pangamba si Senator Risa Hontiveros na mababaon sa hirap ang mga magsasaka at kanilang pamilya kung hindi magiging mabilis ang pagbibigay sa kanila ng subsidiya.

Pinansin ni Hontiveros na sa pagbaba ng halaga ng commercial rice ay bumababa din ang kita ng mga magsasaka dahil sa bagsak na presyo ng palay.

Aniya, mas malaki ang nawawala sa kita ng mga magsasaka kumpara sa kanilang natitipid sa murang bigas na kanilang kinakain.

Dagdag ng senadora, makakatulong ang Rice Competitiveness Enhance Fund mula sa Rice Tarrification Law ngunit lilipas muna ang ilang taon bago ganap na mapapakinabangan ito ng mga magsasaka.

Hirit ng senadora sa National Food Authority bilhin ang palay ng mga magsasaka sa mas magandang presyo para sa kanilang buffer stock.

Read more...