Biyahe ni US President Donald Trump patungong Poland kinansela dahil sa Hurricane Dorian

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 07:01 AM

(AP Photo/ Evan Vucci)
Hindi na itutuloy ni US President Donald Trump ang kaniyang biyahe sa Poland ngayong weekend.

Ito ay dahil sa banta ng Hurricane Dorian sa Florida.

Inanunsyo ni Trump ang last-minute na pagbabago sa kaniyang biyahe sa isinagawang signing ceremony sa Rose Garden.

Ayon kay Trump importanteng manatili siya sa Washington kapag nanalasa ang bagyo.

Sa prediksyon ng National Hurricane Center, bagyo ay tatama sa kalupaan ng Florida sa Sept. 2 bilang isang Category 4 storm.

Dapat ay sa Sabado aalis si Trump patungong Warsaw at sa Lunes naman ang nakatakdang balik niya sa Amerika.

TAGS: donald trump, Hurricane Dorian, Los Angeles, Radyo Inquirer, donald trump, Hurricane Dorian, Los Angeles, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.