Dalawang mananaya naiuwi ang jackpot prize sa Super Lotto at 6/42 Lotto

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 07:00 AM

Dalawang mananaya ng lotto ang “instant milyonaryo”.

Sa isinagawang lotto draw ng PCSO kagabi, isa ang nagwagi ng mahigit P61 million na jackpot prize sa 6/49 Super Lotto.

Nakuha ng mananaya mula sa Butuan, Agusan Del Norte ang winning number combination na 7 24 14 18 17 at 27.

Habang mayroon ding isang nagwagi ng mahigit P14 million na jackpot sa 6/42 Lotto.

Isang mananaya naman sa Ilaya, Mandaluyong City ang nakakuha ng winning number combination sa 6/42 na 8 7 40 11 5 at 42.

TAGS: 6/42, 6/49, Lotto, pcso, 6/42, 6/49, Lotto, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.