Ilang lansangan sa lungsod ng San Juan sarado sa mga motorista ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 06:33 AM

Sarado ang malaking bahagi ng Pinaglabanan Street sa San Juan City ngayong araw ng Biyernes, August. 30.

Ito ay dahil sa mga aktibidad na idaraos para sa “Pinaglabanan Day”.

Ayon sa Traffic and Parking Management Office ng San Juan, sinimulan ng alas 6:00 ng umaga ang pagsasara mula Jose Gil Street hanggang sa kanto ng N. Domingo Street.

Dahil dito, ang mga pampasaherong bus at mga truck na galing ng Ortigas Avenue at Santolan Road at patungo ng Maynila ay sa Granada Street padaraanin patungong Quezon City West bound, at saka kakaliwa sa Aurora Blvd.

Ang mga bus at truck naman na galing Maynila at patungong Ortigas AVenue ay sa Aurora Blvd. din padaraanin at saka papasok ng Gilmore Street.

Ang mga light vehicles naman na galing Ortigas at patungng Maynila ay kakaliwa sa Santolan Road, kanan sa Paterno, kaliwa sa N. Domingo, De Leon Street, Lourdes Drive at saka lalabas ng Aurora Blvd.

Mayroon ding itinakdang re-rerouting para naman sa mga pampsaherong jeep na biyaheng San Juan – Rosario at San Juan – Crame.

TAGS: Pinaglabanan Day, rerouting, road closures, san Juan, traffic, Pinaglabanan Day, rerouting, road closures, san Juan, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.