Total ban sa paputok, isusulong ng alkalde ng M’Lang, North Cotabato
Nanindigan ang alkalde ng M’Lang, North Cotabato na ipapatupad ang total ban sa paggamit ng paputok ngayong taon sa kanyang nasasakupan.
Ito ay matapos makapagtala ng labingisang firecracker-related injuries na karamihan ay dahil sa piccolo simula noong December 25, 2015 hanggang January 1, 2016 sa lalawigan.
Nabatid na labingisang taong gulang na bata ang pinakabatang biktima ng paputok at 59 anyos naman ang pinakamatanda na parehong nagtamo ng sugat sa kamay dahil sa piccolo sa North Cotobato.
Ayon kay Mayor Joselito Piñol, hindi kailangan gumamit ng kahit anong uri ng paputok sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon.
Mas masaya aniyang ipagdiwang ang pagpasok ng Bagong Taon ng walang nasusugatan o nalalagay sa pahamak na tao partikular na ang mga bata.
Dagdag ni Piñol, kakausapin niya ang kanilang konseho na magpasa ng ordinansa na tuluyang magbabawal sa paggamit ng paputok tuwing Pasko at Bagong Taon sa kanyang bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.