Inflation rate ngayong August 2019, posibleng mas mababa sa 2%

By Rhommel Balasbas August 30, 2019 - 04:48 AM

Inaasahang mas bumagal pa inflation para sa buwan ng Agosto.

Ayon sa ulat ng Security Bank economist na si Robert Dan Roces na inilabas araw ng Huwebes, posibleng pumalo lamang sa 1.8 percent ang inflation rate ngayong buwan.

Ang inflation forecast ni Roces ay mas mababa sa 2.4 percent na naitala noong Hulyo.

Posible rin anya na maitatala ang inflation levels na mas mababa sa 2 percent hanggang sa buwan ng Nobyembre.

“Because of base effects and anticipated consumption factors in the coming months, we might see inflation levels at sub-2 percent until November 2019,” ani Roces.

Ayon kay Roces, ang pagbagal ng inflation sa buwang ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kabilang ang pagkain.

Batay anya sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may downtrend sa presyo ng palay sa buong bansa kung saan ang farm-gate price ay aabot hanggang sa P17.62 per kilo dahil sa rice tarrification law.

“Inflation continued to ease in August due largely to slower price increases of key indices. In the heavily-weighted food index, data from the Philippine Statistics Authority (PSA) showed a downtrend in palay prices across the country this month, with the average farm-gate price of locally produced palay dropping to as low as P17.62  per kg as a result of the rice tariffication law that has opened the importation of cheap rice, and thereby flooding the local market with extra supply,” ani Roces.

Bumaba rin ang presyo ng kiryente dahil sa mas mababang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ang inflation average para sa unang pitong buwan ng taon ay 3.3 percent, pasok sa 2 hanggang 4 percent na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

TAGS: August 2019, BSP, Inflation, mas mababa sa 2%, posibleng bumagal, psa, WESM, August 2019, BSP, Inflation, mas mababa sa 2%, posibleng bumagal, psa, WESM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.