Presyo ng ilang processed meat products tumaas na bago pa ang ‘ber’ months

By Len Montaño August 30, 2019 - 02:00 AM

File photo

Dalawang araw bago ang simula ng tinatawag na “ber months,” tumaas na ang presyo ng ilang processed meat products.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), asahan pa ang pagtaas ng presyo ng ilan pang kaparehong produkto mula Sityembre hanggang sa kapaskuhan sa Disyembre.

Kabilang sa mga processed meat products na tumaas na ang presyo ay ang hotdog at tocino.

Kinumpirma ni Steve Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na nagpatupad sila ng dagdag presyo sa loob ng linggong ito.

Ito anya ay dahil nauna nang nagtaas ng presyo ang ilang supermarkets kaya sumunod na rin sila.

Binanggit na isang dahilan ng maagang pagtaas ng presyo ng processed meat products ay ang presyo sa international market ng produktong galing sa karne ng baboy sa gitna ng African Swine Fever.

Dahil sa mataas na pork content, sinabi ng DTI na asahan ang pagtaas ng presyo ng ham, bacon at iba pang produkto na gumagamit ng baboy.

Gayunman, tiniyak naman ng DTI na magpapatupad ng makatwiran na taas presyo ng nasabing mga produkto.

Samantala, ilang brand ng corned beef at meatloaf ang humiling na rin sa ahensya na magtaas sila ng presyo.

Hindi man ito agaran ay nais ng mga manufacturers na ipatupad ang dagdag presyo sa huling linggo ng Sityembre o unang bahagi ng Oktubre.

 

TAGS: African Swine Fever, ber months, corned beef, dti, hotdog, meat loaf, processed meat products, taas presyo, tocino, African Swine Fever, ber months, corned beef, dti, hotdog, meat loaf, processed meat products, taas presyo, tocino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.